Sa temang ‘π·ππππππππ ππ ππππππππ ππ π²πππππππππ πΎπππ: π΄πππππππππππ ππ π·πππππππππ ππ π©ππππ’, matagumpay na isinagawa ng Mataas na Paaralan ng SMIS ang kanilang Culminating Program bilang pagtatapos ng makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.



Bilang pagkilala sa husay at malikhaing talento ng mga mag-aaral sa paggamit ng wika at sining, iginagawad ang karangalan sa mga nagwagi sa mga patimpalak sa Paligsahan sa Kaalaman sa Filipino at Araling Panlipunan, Pagsulat ng Tula, Paglikha ng Poster, at Gawaing Islogan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.



Bilang pagbibigay-pugay sa mayamang kultura at sining ng Pilipinas, masiglang itatanghal ng bawat baitang ang kanilang inihandang kontemporaryong Pilipinong sayaw. Na naglalahad ng masining at makabagong paggalaw na sumisimbolo sa ugnayan ng kapangyarihan, lipunan, at karaniwang tao. Sa bawat indak, inilalarawan nito ang komplikadong dinamika at tensyon sa pagitan ng mga sektor ng lipunan, mga puwersang nagtutulak sa pagkakaisa, pagbabago, at pag-asa para sa isang mas makatarungan at nagkakaisang bayan.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot sa mga guro at mga madre na buong puso at walang pagod na naglaan ng kanilang oras, gabay, at suporta upang maging matagumpay ang programa. Lubos din ang pagkilala at pasasalamat sa mga mag-aaral na buong sigasig at puso ang naging bahagi ng mga gawain, na siyang nagbigay-buhay at kulay sa ating programa. Hindi rin matatawaran ang suporta ng mga magulang na patuloy na nagtiwala at nagsilbing matibay na haligi ng tagumpay ng mga mag-aaral at ng buong paaralan.
Sa pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat, natamo ang isang makabuluhang pagdiriwang na nagpalalim sa pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika at kultura.

