Saluba, Tom Maverick, M. | 5 Setyembre 2023ย
Araw ng Biyernes, ika-1 ng Setyembre, isinagawa ng Sisters of Mary Immaculate School ang pagtatapos na gawain ng Buwan ng Wika na may tema na โFilipino at mga Katutubong Wika; Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunanโ.ย
Bilang Pilipino, ang Buwan ng Wika ay isa sa mga selebrasyon na ating isinasagawa at isinasapuso bilang pagtangkilik hindi lang sa ating sariling wika, pero pati na rin sa mga katutubong wika, kultura, at tradisyon na bumubuo sa wikang Filipino.ย
Ito din ay ang pagkakataon upang lalo nating makilala ang ating sarili bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas, kung kayaโy bilang pangwakas na gawain para sa buwan ng Agosto, ang mga magaaral ng SMIS ay inihanda at ipinakita ang kanilang mga sayaw na sumasalamin sa ating tradisyon at kultura bilang mga Pilipino
Ang mga sumusunod ay ang mga napiling sayaw ng bawat baitang:
- Pre-school: Paru-Paro at Ang Magtanim ay Di Biro
- 1-St. Agnes and 1-St. Anthony of the Abbot: Leron-Leron Sinta
- 2-St. Clare and 2-St. Dominic: Itik-Itik
- 3- St. Lorenzo Ruiz: Alitaptap
- 4-St. Therese of the Child Jesus: Una-Kaya
- 5- St. Cecilia and 5-St. Elizabeth of Hungary: Ang Pipit
- 6-St. John Bosco: Cariรฑosa